Maging Sino Ka Man Soliloquy
By collective team On May 22, 2007 At 4:50 PM
By: Jinggay / Bluelagim
Ang pag-ibig ay sadyang ganyan
Tiwala sa isa't-isa'y kailangan
Jackie (on her bed looking at their picture (JB and Jackie)
Tanong ng puso kung pag-ibig nga ba'y sadyang ganito
Binabago ang katauhan ayon sa kagustuhan mo
Kung titingin ka ba sa mata ko ako'y lubos mong kilala?
Ang bawat pintig ba ng puso ko'y iyo ring nadarama?
Eli (while looking at Jackie Madrigal's poster (Metro)
Isantabi mo muna ang nararamdaman mo ngayon
Suntok sa buwan ang hiling mo di ka papansin nun
Ngunit masama ba kung minsan mangarap ako ng gising
Na balang araw sa muling pagkikita ako'y iyong mamahalin?
Dati mong pag-ibig wala akong pakialam
Basta mahal kita kailan pa man
Jackie (while on top of Eli when Jackie regained consciousness)
Ikaw daw ang asawa ko yan ay ayon sa kanila
Ngunit bakit tila may alinlangan sa yong mga mata?
Ano ang istorya ng ating pag-ibig nais kong balikan
Ipakilala mo sa akin ang taong nasa aking harapan...
Eli (while they were inside the hut thinking that Jackie regainedmemory of the past)
Ngayong nagkamalay ka na, sanay ako'y pagbigyan
Na lawakan ang iyong pang-unawa at ako'y pakinggan
Sa lahat ng gulong ito ako'y walang masamang hinangad
Magawa kaya ng puso mo na ang tulad ko'y mapatawad?
Huwag kang mag-isip ng ano pa man
Mga paliwanag mo'y di ko kailangan
Jackie (on the papag before going to sleep - waiting for Eli who is still outside contemplating)
Bakit ko ba nakalimutan kung paano tayo magmahalan?
Anong klase ba akong asawa, madalas ba tayong maglambingan?
Ngunit di na ito mahalaga mula ngayo'y babawi ako sayo
Mag-iiwan ng isang pangakong ika'y pakamamahalin ko
Eli (papag scene while holding hands)
Hanggang kailan ko masasagot ang iyong mga katanungan?
Hanggang saan ko kakayaning buhayin ka sa kasinungalingan?
At sa mapaglinlang na sandali ako kaya'y mapapaniwalaan mo
Kung sasabihin kong pag-ibig ko lang ang nanatiling totoo?
At kahit ano pa ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man
Jackie (while doing the "bucolic" scene)
Sadyang napakapayak ng buhay sa lugar na ito
Tila iba sa nakagisnan base sa salita at kilos ko
Ngunit magkagayonpaman sa puso koy may ligayang hatid
Dahil sa pagmamahal nga taong sa aki'y nakapaligid
Eli (while watching Jackie after cooking their meal)
Patawarin mo ako kung nilayo kita sa palasyong kinagisnan
Kung nasabak sa mga gawaing wala kang karanasan
Sa aking piling hayaang mong alagaan kita sa paraang alam ko
Salat man sa yaman, pangako magiging maligaya tayo....
Mahal Kita
Basta mahal Kita
Iniisip nila ay hindi mahalaga
Mahal kita Maging Sino Ka Man
MAGING SINO KA MAN WEEKNIGHTS SA PRIMETIME BIDA
Read other parts of the soliloquy here.

for this post